SWAK sa kulungan ang dalawang kilabot na tulak ng shabu at kasama sa target list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Naga Nang nasakote sa magkahiwalay na buy-bust operations noong March 6 at 7, 2013.
Kinilala ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling mga suspek na sina Alsid Garay, alias Panay o Elcid, Number 2 sa Regional Target List sa probinsiya ng Camarines Sur, 28, residente ng Barangay Peñafrancia, Naga City at Nestor Costales, 58, ng Barangay Maynganay, Sta. Maria, Ilocos Sur, at pangunahin sa Priority Target List ng PDEA RO1.
Si Garay ay unang nadakip ng mga elemento ng PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5) sa buy-bust operation sa kahabaan ng MT Villanueva, Barangay Peñafrancia, Naga City kung saan nahuli sa kanya ang may 200 gramo ng tuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa diyaryo matapos bentahan ang isang poseur buyer.
Nabatid sa ulat si Garay ang inirereklamong supplier ng marijuana sa mga eskuwelahan at unibersidad sa Naga City at karatig probinsiya.
Samantang si Costales naman ay nadakip sa hiwalay na operasyon sa Santa Maria public market sa Maynganay, Santa Maria, Ilocos Sur ng mga tauhan ni Director Jeoffrey Tacio ngf PDEA RO1 .
Nasamsam kay Costales ang may 69 sachet ng shabu at marked money na ginamit sa operasyon .
Nahaharap ang dalawa sa kasong illegal drugs bunga ng naturang insidente.