NARESCUE ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang Pinoy na tumakas mula sa Sabah patungong Tawi-Tawi.
Sa inisyal na ulat ngayong umaga, nakilala ang mga biktima na sina Jul Ibba, 50; at Gafur Rudjin, 22.
Ayon sa mga biktima, maraming mga sibilyang Pinoy sa Sabah ang nagnanais na makatakas dahil sa pangmamaltrato ng Malaysian security force.
Napag-alaman na sakay ng isang fishing banca “Love Story” ang dalawa nang mamataan at masagip sila ng BRP EDSA ng coast guard.
Maraming mga Pinoy umano ang gusto nang makaaalis sa Sabah dahil sa patuloy na pagpapaalis at pagtugis ng Malaysian pulis sa mga taga-sunod ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III.