NAREKOBER ng awtoridad ang bangkay ng isang top official ni Rajah Mudah Agbimuddin Kiram sa Sabah, Malaysian, ayon sa ulat ng media outfit kaninang umaga (Marso 12).
Sinabi ng Malaysia’s The Star online na ang labi ng biktimang si Haji Musa, isang heneral ng Sulu group na pinamumunuan ni Agbimuddin Kiram, ay natagpuan sa Kampung Tanjung Batu kasama ang ilan sa bangkay ng mga Sulu gunmen.
Ayon sa The Star, sinabi ni Sabah Police Commissioner Datuk Hamza Taib na may nakuha siyang bagong impormasyon na may 15 bangkay pa ang inilibing doon.
“We believe there are more bodies buried in the same grave and in other graves nearby.“Our men will be going back to investigate,” pahayag nito sa isang press conference kaninang umaga.
Siyan na bangkay ng mga gunmen ang nadiskubre sa isang butas na ikinasa ng security forces matapos ang pagatake sa village noong Marso 6 na ang mga armed intruders ay pumosisyon simula pa noong Peb 9, dagdag pa ng ulat.
“One more body was recovered from Kg Tanjung Batu today (Tuesday), bringing the total number of bodies recovered to 23,” dagdag pa ni Hamza.
Ang death toll para sa gunmen ay nananatiling 54 at wala namang naiulat na may naganap pang palitan ng putok simula pa nitong nakaraang Lunes.
Nagkasa ang Malaysian security forces ng all-out offensive laban sa grupo nitong Martes para tapusin na ang 3-week stand-off sa mapayapanhg pamamamaraan pero nabigo naman.