SUGATAN sa aksidente ang isang mag-ina nang suwagin ng rumaragasang kotse ng minamaneho ng doktor habang tumatawid sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kaninang 8:30 ng umaga (Marso 12).
Isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng tinamong kapansanan sa katawan ang mag-inang sina Jessa Siñar, 28-anyos at ang kanyang anak na babae na si Angel.
Ayon sa anak ni Jessa na si Mark, bago ang insidente ay patawid silang magiina sa Commonwealth Avenue na mala;pit sa Quezon City hall nang bigla silang suwagin ng kotse na minamaneho ng suspect na si Stephen Garcia, isang doctor.
Matapos tumbukin ang naturang magina, bumangga pa ang kotse ni Garcia sa isang poste na nasa kaliwang bahagi ng kalsada at saka dumulas at tumigil sa opposite side.
“Pagbabayarin ko po ang driver…wala po kaming pera pampagamot at pambayad sa ospital,” pahayag ni Siñar.
Ayaw namang magsalita ni Garcia hinggil sa pangyayari. Nagtamo din ito ng kapansanan sa katawan sanhi ng aksidente.
Iniimbestigahan na ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang insidente para malaman kung totong mabilis ang takbo ni Garcia.
Binalaan ng MMDA ang mga motorista sa Commonwealth Avenue, na kilala sa pagiging accident prone area, na sundin ang speed limit, na 60 kilometers per hour.
Pinayuhan din ng MMDA ang mga pedestrian na gumamit ng kanilang overpass sa pagtawid sa Commonwealth Avenue na kilala rin na killer highway para matiyak ang kanilang kaligtasan.