SINALAKAY Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 6 ang bahay ng mag-asawang umano’y drug pusher kung saan naaresto ang babae habang nakatakas ang lalaki sa Brgy. Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City.
Kinilala ang mag-aswa na sina Agusto Penecilla at Anna Prevendido Penecilla na nakuhaan ang mga ito ng ilang sachet ng pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o shabu, mga bala ng shot gun at .45 caliber pistol, cellphone, mga alahas at vault na may lamang na mahigit P28,000 na cash.
Nabatid na matagal ng nasa watchlist ang mag-asawa at itinuturing na isa sa mga malalaking drug personality at isang buwan ang isinagawang surveillance sa subject bago isinagawa ang raid kaninang umaga.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa sa mga ito habang tumanggi namang magbigay ng anumang pahayag ang abogado ng mag-asawa.