IMBES na makuwelyuhan ang inirereklamo, isang security guard ng bus terminal ang siyang tinutugis ngayon (Marso 12) ng pulisya matapos barilin nito at mapatay sa galit ang babaeng nanggantso sa kanya sa Quezon City.
Bago naman tumakas, iniwan ng suspect na si Melodio Tindoy, security guard sa Philtranco bus terminal sa Cubao, Q.C. at dating sundalo ang kanyang kalibre 38 service revolver sa mismong opisina ng nasabing kumpanya.
Wala pa ring pagkakakilanlan ang biktima na inilarawang 20-25, 5’5, medium built at nakasuot ng camouflage short at puting
t shirt.
Ayon kay SP02 Alvin Quisumbing ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) bago ang insidente ay dumulog si Tindoy sa QCPD station 7 upang ipa-entrap ang babaeng nangakong ibabalik siya sa serbisyo bilang sundalo kapalit ng P10,000.
Pero ayon kay Tindoy ang pangako sa kanya ng nasabing babae ay napako kaya ini-report na niya ito sa Cubao police station.
Tawag naman ng tungkulin, ikinasa nitong Lunes ng hapon ang entrapment operation at hinihintay ng mga operatiba ng QCPD station 7 ang senyas ni Tindoy para dambahin nila ang naturang babae.
Pero naman nasunod ang orihinal na plano dahil nang makaharap muli ni Tindoy ang mangagantso ay hindi na ito nakatiis pa at pinagbabaril na niya ito.