NAGTAMO ng second degree burn sa kanyang braso ang isang miyembro ng Philippine Army (PA) makaraang tangkain nitong apulahin ang nasusunog niyang sasakyang sa harap mismo ng tinitirahan niyang apartment malapit sa Western Mindanao Command (WestMinCom) sa may Barangay Upper Calarian sa Zamboanga City.
Nakilala ang biktima na si Cpl. Abdulrakib Mounlana Jaman, 45.
Nabatid na nagsindi ng kandila si Jaman nang mag-brown out sa kanilang lugar sa taas ng kanyang apartment ngunit hindi nito namalayang nahulog ito malapit sa tangke ng kanyang sasakyan dahilan upang sumiklab ang apoy.
Dahil dito, tinangka niyang apulahin ang apoy ngunit mabilis itong kumalat na agad namang nirespundehan ng truck ng bumbero ngunit nilamon na ng apoy ang buong bahagi ng sasakyan.
Agad na sinugod sa Camp Navarro General Hospital sa loob mismo ng WestMinCom ang biktima.