NALAGLAG sa kamay ng pulisya ang isang lider ng sindikato na sangkot sa asasinasyon, kidnap for ransom at armed robberies sa Tarlac, Martes ng hapon.
Nahuli ang suspek na si Danilo Magalang, 53-anyos, lider ng Danny Galang Group na sangkot sa criminal activities at nag-ooperasyon sa Nueva Ecija, Pangasinan at iba pang kalapit na probinsya, sa Barangay Sta. Rita sa Concepcion.
Ilang warrants of arrest ang ipinalabas ng local courts sa Tarlac, Nueva Ecija, Mandaluyong City at Manila laban kay Magalang.
Maliban pa dito, si Magalang ay may kaso pang robbery with homicide sa pagpatay naman sa isang mag-asaawa sa Nueva Ecija noong 2010.
Hinahanting na ngayon ng pulisya ang may 11 pang kasamahan ni Magalang upang panagutin din sa nasabing mga kaso.
Naniniwala naman ang awtoridad na sa pagkakadakip kay Magalang ay mapuputol na ang pangil ng nasabing grupo ng sindikato.