PINALAWIG ng limang araw ng Comelec ang implementasyon ng liquor ban para sa nalalapit na 2013 midterm elections.
Nabatid kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, gagawin nang limang araw ang liquor ban sa dating dalawang araw lamang.
Sa Mayo 9 sisimulan ang liquor ban na tatagal na sa hanggang Mayo 13.
Layunin nitong maiwasan ang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga nasa impluwensya ng alak sa panahon ng election preparation.