GINAGAMOT na sa pagamutan ang isang junkshop owner makaraang barilin ng riding-in-tandem sa Del Monte Avenue, Corner Matutum St., Quezon City ngayong hapon lamang.
Kinilala ang biktima na si Jaime Espolano, 56, may tama ng bala ng kalibre 45 sa likod.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakita ang biktima na nakikipag-agawan ng kuwintas sa mga hindi nakilalang mga suspek at nang pumasok sa kanyang shop si Espolano ay dito na siya binaril sa likod.
Agad namang nagsitakas ang mga suspek matapos makitang humandusay na ang biktima.