Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Awol na parak, kasama tiklo sa pagtutulak

$
0
0

ARESTADO ang isang dating pulis na sinasabing nasibak sa serbisyo matapos mag-absent without leave (AWOL) at kasama nito sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Liloan, Cebu.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang dinakip na suspek na si dating PO1 Rodelo P. Pilapil, Jr., 39-anyos, ng Bugo City, Cebu at residente sa Tayud, Liloan, Cebu; at Jeffrey T. Otaza, 34, ng Opao, Mandaue City, Cebu.

Sina Pilapil at Otaza ay kapwa inaresto ng mga elemento ng PDEA Regional Office 7 (PDEA RO7) matapos magsabwatan sa pagbebenta ng isang sachet ng shabu sa isang poseur-buyer ng PDEA sa isang buy-bust operation sa Barangay Bag-ong Dan, Liloan, Cebu bandang alas-6:15 ng hapon noong Marso 11.

Nakuhanan pa ang dalawa ng karagdagang apat na sachet ng shabu at isang medium size na sachet ng shabu, isang colt caliber 45 pistol na may magazine, tatlong bala at tatlong piraso ng tig-P100 na marked money.

Nakapiit ngayon ang dalawa sa PDEA Region 7 at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa RA 8294 (Illegal Possession of Firearms).


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129