KULONG ang construction worker matapos gawing punching bag ang kinakasama dahil sa may pinagseselosan ang una sa Caloocan City Huwebes ng madaling-araw, Marso 14.
Nahaharap sa kasong physical injuries in relation to violence against women’s and their children’s si Dino Marco Rivera, 32 ng Date Palm st., Whispering subd., Llano ng lungsod.
Sa pahayag ng biktimang si Victoria Flores, 51 ng nasabing lugar, dakong 12:45 ng madaling-araw, inaayaw siya ng suspek sa loob ng kanilang bahay dahil may pinagseselosan na lalaki.
Ilang sandali pa ang lumipas ay sinimulang bugbugin ng suspek ang biktima at nagsira pa ng mga gamit ang una.
Nagawang makalabas ng kanilang bahay ang biktima at nagpunta sa mga barangay tanod at ipinadakip ang suspek.