NAPOSASAN ng awtoridad nitong Biyernes ng hapon (Marso 15) sa Zamboanga City ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa pagkidnap at pagmasaker sa rubber plantation workers sa Lamitan, Basilan noong 2011.
Sinabi ni Philippine National Police spokesperson Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr. na ang bandidong si Jailani Basirul, na kilala rin sa bansag na Bas o Angkig, ay nakuwelyuhan sa Valderoza Street base sa isang arrest warrant na ipinaalaas ng 2 korte sa Basilan.
Si Basirul ay may patong sa ulo na P600,000. NAkaditine ito sa Region 9′s Regional Intelligence Unit para isailalim sa ‘debriefing at proper disposition,” pahayag ng pulisya.
Kakasuhan ito ng kidnapping at serious illegal detention.
Sinalakay ni Basirul ay ilan pang bandido ang isang Basilan plantation noong 2001 at dinukot ang 8 banana plantation workers. Apat sa kanila ay pinugutan ng ulo.