PINAYUHAN ng Departmeng of Health (DOH) ang mga bata at matatandaang deboto na huwag nang sumama sa gagawing prusisyon para sa pista ng Poong Itim na Nazareno.
Ito’y kasunod nang nalalapit nang kapistahan ng poon sa Enero 9.
Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, hepe ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), mapanganib na para sa kalusugan ng mga matatanda ang mahahabang prusisyon na inaasahang dadagsain ng milyun-milyong deboto.
Hindi rin naman mainam kung ang mga paslit ay makikipagsiksikan sa naturang prusisyon.
Kaugnay nito, sa halip na sumama sa prusisyon ay pinayuhan pa ni Tayag ang mga matatandang deboto na magdasal na lamang ang mga ito sa bahay o sa Simbahan.
Samantala, tiniyak naman nia Tayag na handa na ang kanilang medical teams na ilalagay sa mga istratehikong lugar para matiyak na makakatugon agad sa mga emergency situation.
Umapela rin naman ng DOH sa mga lalahok sa prusisyon na maging mahinahon lamang upang makaiwas sa aksidente