Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Akala nambababae, sekyu pinagsasaksak ng bayaw

$
0
0

KRITIKAL ang 42-anyos na security guard nang pagsasaksakin ng kanyang  bayaw nang paghinalaan siyang pinagtataksilan ang kanyang kapatid nito  kagabi sa Pasay City.

Kasalukuyang ginagamot sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Filipino Baronggo, ng 182 Saint Francis St., Maricaban sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang pinaghahanap naman ng pulisya ang bayaw nito na si Wendel Ando, driver at naninirahan din sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang dalawa pang kaibigan sa harapan ng kanilang bahay alas-7:30 ng gabi nang maungkat ang hinalang pambababae ng biktima.

Pinagsabihan ng suspek ang bayaw sa harap ng kanilang mga kaibigan na huwag lolokohin ang kanyang kapatid na hindi naman nagustuhan ng biktima at iginiit na hindi niya pinagtataksilan ang asawa hanggang sa mauwi ang pagtatalo sa pagsusuntukan.

Naawat naman ang pambubuno ng dalawa subalit nang pumasok na sa kanyang silid si Baronggo, pinasok siya ng bayaw na armado na ng patalim at inundayan ng saksak.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>