TODAS ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Poblacion sa Carles, Iloilo, kaninang alas-11:00 umaga, Marso 18.
Hindi na umabot sa Balasan District Hospital si Reynaldo Bullo, kapitan ng naturang barangay dahil sa tama sa tagiliran at tumagos sa likuran nito.
Sa inisyal na imbestigasyon, galing sa regular na miting at pauwi na sakay ng kanyang motorsiklo nang sundan at pagbabarilin ng riding-in-tandem.
Naganap ang insidente sa gitna ng ipinaiiral na election gun ban.
Inaalam pa ang motibo sa pamamaril habang patuloy ang pagtugis sa mga suspek.