Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 most wanted ng Quezon, nahuli

$
0
0

SAN NARCISO, QUEZON— Makalipas ang halos tatlong taong pagtatago, naaresto kahapon ng mga pulis ang pangalawa at pangatlong most wanted ng bayan sa Sitio Makuyo Kuyo, Barangay White Cliff, bayang ito.

Kinilala ni Quezon police director Senior Supt. Dionardo Carlos ang mga nahuli na sina Santiago Medenilla, 53 at Anisa Medenilla, 26, kapwa magsasaka at residente ng Barangay Punta.

Ayon sa ulat na isinumite kay Calabarzon police director, Chief Supt. Benito Estipona, sinabi ni Carlos na ang mga suspek na parehong nahaharap sa kasong murder at frustrated murder ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ibinigay ni Gumaca Regional Trial Court, Branch 61 Judge Chona Pulgar-Navarro.

Aniya ay sinurpresa ng kapulisan ang mga suspek habang natutulog sa loob ng kanilang safe house dakong ika-10:30 ng umaga.

Sinabi pa ni Carlos na ang mga suspek ay inaakusahan ng umanoy pagbaril at pagpatay sa  isang Jose Menchero at pagkasugat ng kasamahan nitong si Arnel Cajalino noong Agosto 14, 2010.

Ang mga suspek na mula noon ay nagtago sa ibang lalawigan ay kinasuhan ng murder at frustrated murder at tinaguriang ikalawa at ikatlong most wanted ng bayan, aniya.

Ang dalawa ay kasalukuyang nakakulong sa municipal lock-up jail ng bayang ito.

Sinabi ni Carlos na ang pagkakaaresto ng dalawa ay resulta ng pinaigting na Manhunt Bravo na kanilang inilunsad sa buong lalawigan ayon na rin sa deriktiba ni Estipona.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Patama lines and Tagalog Quotes Pinoy Sayings


Tropa Quotes


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.