Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Rider nahulog sa motor, lasog pa sa trak sa QC

$
0
0

DOBLENG kamalasan ang inabot ng isang lalaki nang mahulog sa kanyang motorsiklo at masagasaan ng 10-wheeler truck sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng tama sa ulo at katawan ang biktimang si Lloyd Walican, walang permanenteng address.

Tinangka namang tumakas ng drayber ng trak na si Roel Tejano pero nasukol din agad ng awtoridad. Bagama’t sinabi nitong mabagal lamang ang kanyang takbo, sinampahan pa rin siya ng kasong reckless imprudence resulting with homicide at damage to property.

Sa ulat, naganap ang insidente alas 1:45 ng madaling sa Fairview, Q.C.

Bago ito, nabatid na nalubak ang biktima sa isang butas sa kalsada at tumilapon sa kalsada mula sa kanyang motorsiklo.

Tiyempo namang parating ang trak na minamaneho ni Tejano at hindi napansin ang biktima kaya nagulungan niya ito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>