IPATUTUPAD ni Metropilitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang “No absent, No day off, No vacation, at No holiday policy” sa kanyang mga tauhan partikular na ang mga traffic enforcers upang umalalay sa mga motorista na lalabas o papasok sa Metro Manila sa susunod na linggo sa paggunita na rin ng Semana Santa.
Mahigit 1,000 personnel ang ipapakalat ng MMDA na siyang mag aayos sa daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.
Samantala, umabot na sa 40 road repair permits ang naibigay ng ahensiya dahil sa isasagawang pagkukumpuni sa kalsada ng Department of Public Works and Highways kabilang na dito ang Edsa at A. Bonifacio Avenue.
Pinagpaplanuhan naman ni MMDA Chairman na ipatupad ang “load-in, load-out policy” dito dahil malimit na nakaharap ang bus sa naturang lansangan sa tuwing lalabas at papasok sa terminal.
Sa susunod na araw nakatakdang ilabas ng MMDA ang pinal nitong plano ngayong Semana Santa.