NIRAPIDO ng isang lalaki ang kanyang sariling tiyuhin sanhi ng awayan sa palaisdaan o fishpen sa Pangasinan kaninang umaga (Marso 21).
Dead on the spot sanhi ng hindi bababa sa 14 na tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Mario Domalanta ng Barangay Palyas sa Pangasinan.
Binugbog naman ng suspect na si Carlos Domalanta kasama ang kapatid nitong si Janice at ang nanay nitong si Norma ang misis at anak ni Mario nang maubusan ng bala ang kanyang kalibre 45 baril.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:30 ng umaga sa bahay ng biktima sa nasabing barangay .
Bago ito, sumugod ang suspek sa bahay nito kasama ang kapatid na si Janice at inang si Norma upang komprontahin si Mario dahil sa alitan nila sa inaasikasong palaisdaan.
Pero imbes magkasundo ay nagtalo ang dalawa na humantong sa pamamaril ng suspect sa kanyang tiyuhin.
Sa ikinasang follow up operation, nahuli naman agad ang ina at kapatid na si Carlos habang hinahanting na ngayon ang huli sa kasong murder.