Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Palaboy natagpuang patay

$
0
0

ANIMO’Y natutulog lamang ang isang palaboy sa lansangan matapos madiskubreng patay sa underpass ng Quiapo, Manila kahapon ng madaling araw.

Nakilala sa alyas “Romy” ang biktima na inilarawan sa edad 30 hanggang 35 anyos ; nasa 5’4 hanggang 5’7 ang taas; naka suot ng kulay pula na may kulay dilaw na t-shirt, may markang na “Pardon me Senior Jesus” naka suot ng kulay brown na stripe na shortpants at walang tiyak na tirahan sa lungsod.

Batay sa ulat ni Det. Milbert Balingan ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 3:30 ng madaling araw sa harapan ng Brotherhood General Merchandize sa  underpass ng Quezon Boulevard (Lacson Underpass) sa Quiapo.

Isang Rowie Juntilla, 19 anyos, barker sa lugar ang nakadiskubre sa biktima, habang maayos naman ang pagkakahiga nito gamit pa ang kanyang pares na sinelas na ginawa nitong unan.

Dahil dito, agad niya itong ipinagbigay alam sa isang James Andik, 30 anyos, may asawa na isang security guard sa lugar saka nito inireport sa pulisya.

Wala namang nakitang senyales na pinatay ang biktima, kaya hinalang sakit ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Gayunman ang labi ng biktima ay inilagak sa Saint Harold Funeral Morgue , para sa kaukulang awtopsiya at imbestigahan ang tunay nitong pagkakakilanlan upang ipabatid sa kanyang mga kaanak ang pagkamatay ng nasabing biktima.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>