NILAMON ng apoy ang isang commercial area sa Barangay Pinyahan, Quezon City, Sabado ng madaling araw at tinatayang aabot sa isang milyong piso ang halaga ng ari-ariang napinsala.
Sa report, nasunog ang apat-na-pintong apartment-type building na pag-aari ni Immy Salinas Wee.
Hinihinalang nag-umpisa ang sunog sa unang dalawang gusali na automobile supply shop.
Wala namang nasugatan sa sunog na umabot sa ika-apat na alarma.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at inaalam kung ano ang sanhi nito.