NAHULOG sa kamay ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang mag-asawa na kabilang sa drug watch-list, sa isinagawang buy-bust operation sa Cotabato City, noong Marso 21.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang mag-asawa na sina Mastura Kituar, alyas Kodz, 38-anyos, isang obrero at asawa nitong si Guinambai, 47-anyos, sari-sari store owner, kapwa residente sa Purok Rajamuda, Poblacion 7, Cotabato City.
Nadakip ang mag-asawa ng mga operatiba ng PDEA Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) sa kanilang lugar sa Poblacion 7, matapos bentahan ng shabu ang isang poseur buyer ng PDEA.
Nakuhanan pa ng karagdagang walong sachet ng shabu ang dalawa matapos silang kapkapan nang maaresto.
Bukod dito, nakumpiska rin sa dalawa ang sari-saring drug paraphernalias at marked money na ginamit sa buy-bust operation.
Panasamantalang nakapiit ang mag-asawang Kituar sa PDEA ARMM jail facility.
Kapwa sila nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilala na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.