NAMATAY ang isang 61-anyos na lolo habang nakikipagtalik sa isang guest relationship officer (GRO) sa pension house Barangay Estancia, Kalibo, Aklan, Sabado ng madaling araw.
Ayon sa report ng Kalibo PNP, walang nakitang anumang sugat o palatandaan na sinaktan ang biktima na dating seaman, kaya pinaniniwalaang inatake ito sa puso habang nakikipag-sex.
Dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mag-check-in ang biktima kasama ang 28-anyos na GRO para sa tatlong oras na upa sa isang kuwarto sa pension house.
Pasado alas-kuwatro ng madaling araw naman nang humingi ng tulong sa mga roomboy ng pension house ang GRO dahil nahihirapang huminga ang matanda pagkatapos nilang magniig.
Lumalabas sa imbestigasyon na bago pumasok sa pension house ang biktima at GRO ay nakita ng babae na may ininom na gamot ang matanda.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari.