Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bus na nagpapalabas ng sex videos, binalaan

$
0
0

MULING binalaan ng Movie Television Review and Classification Board o MTRCB ang lahat ng buses na bibiyahe sa mga probinsiya ngayong Semana Santa laban sa pagpapalabas ng malalaswa at mararahas na panoorin sa kanilang telebisyon.

Ayon sa MTRCB ang pinapayagan lamang nilang ipalabas sa mga buses ay iyong mag panoorin na may “G” (General patronage) rating.

Dahil dito bibisitahin ni MTRCB head Eugenio Villareal at ng kanyang grupo ang mga  bus terminals sa lungsod Quezon upang makasiguro na sumusunod sa ipinaiiral na alituntunin  ng ahensiya ang mga buses na may videos sa loob ng kanilang mga sasakyan.

Sinabi pa ni Villareal na nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng MTRCB at Land Transportation Franchising and Regulatory Board noong 2011 na iyon lamang mga videos  na may “G” ang maaring panoorin ng mga pasahero.

Dahil dito , magpapaskel, aniya, ang grupo ng MTRCB sa mga bus terminals ng “public advisory” tarpaulins para mapaalalahanan ang publiko tungkol sa videos na ipapalabas.

Simula noong Sabado umabot na sa 504 ang bilang ng mga buses ang nabigyan ng special permits para makabiyahe sa ibat-ibang probinsiya ngayong mahal na araw.

Inaasahan ang pagdagsa ng mga biyahero sa mga probinsiya sa susunod na mga araw para makasama sa pagbabakasyon ang kanilang mga pamilya.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>