SYDNEY — Binayaran ng ransom money ang Islamic militants sa southern Philippines ng halagang US$97,750 kapalit ng kalayaan ng Australyanong si Warren Rodwell na halos 15 buwan nilang bihag, ayon sa ulat ng Australian media kaninang umaga (Marso 24).
Si Agaunt Rodwell, 54-anyos, isang dating sundalo ay pinalaya sa Pagadian sa Mindanao nitong nakaraang Sabado, may 100 kilometro o 60 miles sa silangan kung saan ito dinukot noong Disyembre 5, 2011.
Tumanggi naman na magsalita ang Philippine at Australian authorities kung may ibinayad na ransom pero sinabi ng Australia’s Fairfax Media na ibinuko ng isang key negotiator na ang ibinigay ay halagang $97,750.
Agad humingi ang mga kidnappers na miyembro ng Abu Sayyaf militant group, matapos pasukin nila ang bahay ni Rodwell kasama ang kanyang misis na Pinay sa Ipil town.
Sinabi ng negosyador na si Al Rashid Sakalahul, sa Fairfax na humingi ang mga kidnappers ng $400,000 nang siya ay kasali pa sa pakikipanegosasyon ilang linggo ang nakararaan.
Pero ang kanilang naibulsa ay maliit kaysa sa kanilang hinihingi noong una.
“It was really a tough negotiation but in the end, with God’s help, we managed to secure the release of Rodwell,” pahayag ni Sakalahul, vice-governor ng southern Philippine province ng Basilan.
Pinasinungalingan din ni Australian Foreign Minister Bob Carr na may nagbayad ng ransom money.
“Just be clear that the Australian government never pays ransom,” pahayag nito sa Australian Broadcasting Corporation.