Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Drayber patay sa pagsagip sa 3 paslit na nalulunod

$
0
0

ISINAKRIPISYO ng isang tricycle driver ang kanyang sariling buhay nang tangkain nitong sagipin ang tatlong kabataan na nahulog sa ilog sa Noveleta, Cavite province nitong Biyernes ng hapon (Marso 24).

Pero sa kamalasan, isa lamang sa tatlong kabataan ang nasagip ng biktimang si Albert Quimpo at minalas pang hindi na rin nakaaahon pa kasama ng dalawang kabataan, ayon sa ulat.

Sa ulat ng Noveleta police, naganap ang insidente dakong 5:30 p.m., nitong Biyernes ng hapon sa Barangay Poblacion.

Ayon sa nakasaksi, bago ang insidente ay maghuhugas ng kanilang mga paa ang tatlong magkakaibigan na hindi nakuha ang pangalan malapit sa 10-foot-deep river matapos na maglaro nang biglang mahulog sa ilog.

Nagkataon naman na nakita ni Quimpo, na naghihintay ng pampasaherong jeep malapit sa lugar ang pangyayari kaya tumalon ito ilog.

Nasagip nito ang isa sa tatlo pero kasama ng dalawang kabataan na hindi na nakaahon pa.

Inilarawan naman ang dalawang kabataan na 12 at 9 anyos.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>