PAWANG miyembro ng private armed group ang napatay ng mga awtoridad sa naganap na sagupaan sa Barangay Lumotan, Atimonan, Quezon bandang alas-3:00 ng hapon kahapon.
Ayon kay Quezon Province Police Provincial Dir. Col. Valenriano De Leon, posibleng ang mga suspek ay gun for hire at mayroong itutumba nang makasagupa ng pulisya sa Maharlika Highway habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga miyembro ng PNP Intelligence Unit kasama ang PNP-Quezon.
Ayon kay de Leon, dead on the spot ang 11 sa mga ito habang namatay ang dalawa sa pagamutan, samantalang sugatan naman ang isang pulis na nakilalang si P/Supt. Hansel Marantan.
Narekober mula sa mga suspek ang 10 armas kabilang ang isang M14 rifle at isang M16 baby armalite.
Sa ngayon ay mayroon nang pagkakakilalan ang mga suspek ngunit itinanggi munang pangalanan ni de Leon.