DALAWA ang patay habang isa ang sugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang salarin sa Commonwealth Market, Quezon City kagabi, Enero 6, 2013.
Kinilala ang biktima na sina Rolando Talento, 49, Barangay Deputy for Sports ng Commonwealth Wet Market at residente ng ng 852 Katuparan Ext. QC at Joel Tabor, 27, ng Riverside St., Brgy. Commonwealth.
Sina Talento at Tabor ay kapwa idineklarang dead on arrival sa Malvar hospital at East Avenue Medical Center.
Sugatan naman si Arnel Celestino, 45, ng Brgy. Enviromental personnel ng Casoy St., Brgy. Commonwealth, na kasalukuyang inoobserbahan sa New Era hospital.
Ayon kay SPO1 Elden Lasam ng Quezon City Police District station 6 Batasan, naganap ang insidente dakong 7:45 kagabi sa parking area ng Commonwealth Market.
Ani Lasam, kasalukuyang nagkukuwentuhan ang mga biktima sa naturang lugar nang biglang dumating ang dalawang lalaki na armado ng baril at pinagbabaril ang mga biktima.