TINATAYANG P300,000 na pampasuweldo ang natangay sa isang kumbento sa Cubao, Quezon City makaraang pasukin ng mga magnanakaw kaninang hapon.
Bandang alas-3:00 kanina nang pasukin ng limang lalaki ang Missionary Sister Servants of the Holy Spirit sa Poinsettia Road, E. Rodriguez Sr. sa Cubao.
Nabatid na armado ng baril at naka-sunglasses ang mga suspek kung saan dumiretso sa opisina at tinangay ang pampasuweldo sa mga pabakasyon na sanang 30 empleyado.