DALAWANG lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa magkahiwalay na lugar sa Maynila ngayong araw.
Unang nadiskubreng patay na alas-7:30 kaninang umaga ang biktimang si Rolando Bucacao, 44, special child ng 826 Mindoro St., Sampaloc, Manila.
Hinalang hindi kinaya ng biktima ang sakit na cancer of the bone kaya nagbigti.
Samantala, alas-12:30 kaninang tanghali naman nang matagpuang patay na rin si Juanito Reyes, 53 ng Gate 16 Parola compound, Binondo, Manila.
Nabatid na binasted si Bucacao ng kanyang nililigawan kaya nagpakamatay.
Huling nakitang buhay si Reyes alas-6:30 ng umaga habang nagkakape.