TODAS ang isang binatilyo na miyembro umano ng isang gang makaraang saksakin sa Navotas kaninang madaling araw.
Duguan ang t-shirt ng 17-anyos na biktimang si Justo Tabinas, alyas Onse.
Base sa salaysay ng mga kaibigan ni Onse, nag-inuman sila kagabi at nang umuwi na ang biktima pasado alas-3:00 ng madaling araw ay pinagsasaksak ito ng ice pick.
Itinuturo naman ng kaibigan ng biktima na si Jason Santillan na isang “Bernie” umano na miyembro ng kalabang gang ang suspek sa nasabing krimen.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen.