MAGKASUNOD na nilindol ang silangang bahagi ng Caraga, Davao Oriental at Zamboanga del Norte kaninang madaling araw.
Naitalaga ang magnitude 3.5 na lindol sa silangang bahagi ng Caraga, Davao Oriental kaninang alas-2:55 ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang pagyanig ng lindol sa layong 70 kilometro na may lalim na 63 kilometro.
Bago ang naturang pagyanig, una nang nakaranas ng lindol na may magnitude 4.4 kaninang alas-1:58 ng madaling araw ang hilagang bahagi ng Siocon, Zamboanga del Norte na may layong 64 kilometro.
Ang nasabing lindol ay may lalim na 30 kilometro na tectonic ang pinagmulan.
Wala namang napaulat na nasaktan o nasira sa nasabing pagyanig.