Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mainit na panahon asahan – PAGASA

$
0
0

ASAHAN ang mainit na temperatura sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni forecaster Manny Mendoza na maliban lamang sa ilang lugar sa bansa ang maaaring makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Kahapon, Martes, naitala ang 34.8°C, na pinakamainit na temperatura sa Maynila at inaasahang magpapatuloy pa ito.

“Magpapatuloy pa rin ang magandang panahon sa Luzon. Magkakaroon naman ng fair weather sa Visayas, at sa Mindanao, mga 3 to 4 days, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.”

“Mainit at maalinsangang panahon [ang mararanasan], panahon po ng pagliliwaliw at paglangoy sa karagatan… mga 34 to 35-degree Celsius… lalo pong mainit sa buwan ng Abril at Mayo.”

Mararanasan naman ang pinakamainit na temperatura sa dakong hapon simula alas-2:00 hanggang alas-4:00.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129