Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Patay sa lunod ngayong Semana Santa dalawa na

$
0
0

DALAWA katao na ang naitatalang namatay sa pagkalunod sa Ilocos region sa paggunita ng Semana Santa.

Nabatid na patuloy pa ring pinaghahanap ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN)si Juniel Zamora, 7, ng Antipolo, Rizal, pinaniniwalaang nalunod makaraang maligo sa dalampasigan ng Lipit-Tomeeng sa bayan ng San Fabian, Pangasinan kaninang umaga.

Habang natagpuan naman sa Bauang River na palutang-lutang ang bangkay ng 60-anyos na si Jose Caluza, ng Barangay Parian Este, sa Bauang, La Union.

Sinasabing lasing ang lolo nang tawirin ang ilog habang pauwi na sana sa kanilang bahay kaya ito nalunod.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>