PATAY sa lunod ang isang babaeng bakasyunista habang nasa Boracay sa ulat ng pulisya ngayong araw.
Kinilala ang biktima na si Mary Ann Legaspi, 59, ng Cainta, Rizal.
Sa imbestigasyon, nakita na lamang ang biktima na palutang-lutang na sa dagat may 15 metro ang layo mula sa dalampasigan.
Pinaniniwalaang inatake sa puso ang babae na dahilan ng kanyang pagkalunod.