Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lalaking dadalo sa pabasa binoga ng riding-in-tandem sa QC

$
0
0

NAGING madugo ang ikinakasang pabasa sa Quezon City nang barilin ng riding-in-tandem ang isang lalaking may suot na mamahaling alahas sa katawan nitong umaga ng Huwebes Santo.

Isinugod sa St Luke’s Hospital sanhi ng isang tama ng bala sa katawan ang biktima na si Ramon Mallari Jr. residente ng Barangay Masambong, Q.C.

Kasama sa pagtakas ng dalawang hindi nakikilalang armadong suspect ang gintong kuwintas ng biktima na nagkakahalaga ng P100,000.

Sa ulat, naganap agn insidente dakong alas 8 ng umaga nitong nakaraang Huwebes Santo ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Bago ito, papunta ang biktima sa isang pabasa ng kanilang kapitbahay nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang isa sa mga suspect at binaril si Mallari Jr.

Pagbagsak sa kalsada, hinablot agad ng suspect ang naksabit na kuwintas ng biktiman at mabilis na sumakay sa motorsiklo ng kanyang kasamahan.

Hinala ng Quezon City Police District (QCPD) na matagal nang minamatyagan ng mga suspect ang biktima sa paglabas sa kanyang bahay dahil lagi nitong suot ang kanyang mamahaling alahas.

Kilalang matulungin sa kanyang kapitbahay si Mallari Jr.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>