Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Dalagita, pinatay sa hambalos ng tiyuhin

$
0
0

BASAG ang bungo ng isang 19-anyos na babae nang pagpapaluin sa ulo ng kanyang tiyuhin kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Patay na nang madiskubre ang biktimang si Merlyn Losano, tubong Masbate, ng #154 Humilidad St., Bgy 14, Zone 1, ng naturang lungsod, sanhi ng matinding pinsala sa ulo.

Nakakulong na sa detention cell ng Pasay City Police detention cell ang suspek na si Marlon Balanza, 35, may asawa, ng nabanggit ding lugar.

sa ulat ni S/Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, alas-7 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa ilalim ng kama nito sa loob ng kanilang bahay.

Nauna rito, dakong 6:00 ng gabi ay nakatanggap ng mensahe si Lovely Balanza, 38, mula sa kanyang asawang si Marlon kung saan sinabi nitong napatay niya ang kanyang pamangkin.

Agad umuwi si Lovely ngunit nakasarado ito kaya humingi ito ng tulong sa barangay na mabilis naman nilang nirespondehan.

Pagbukas ng pinto, nadiskubre nila ang duguang bangkay ng dalaga na tadtad ng palo sa ulo sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Sumuko naman sa Valenzuela City Police ang suspek at kaagad itong inilipat sa kustodiya ng Pasay City Police.

Hinihinala ng pulisya na selos ang motibo sa pagpaslang.

Todo-tanggi naman ang nakakulong na suspek sa akusasyon laban sa kanya. JAY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Inggit Quotes and Taray Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.8.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>