Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

3 patay, 1 sugatan sa N. Cotabato ambush

$
0
0

TATLO ang nalagas habang isa ang malubhang nasugatan sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang mga namatay na sina Merlina Wagas Cabaya, 51, negosyante, at mga anak nitong sina Jomar Cabaya, 25, at John Rey Cabaya, 16, habang sugatan naman si Bingbing Cabaya.

Pawang mga residente sa bayan ng Matalam, North Cotabato ang lahat ng biktima.

Sa impormasyon mula sa pulisya, lulan ang mga biktima ng isang motorsiklo sa Sitio Alad-ad, Bgy. Bangbang, Matalam, North Cotabato nang bigla na lamang silang harangin ng hindi kilalang mga armadong lalaki at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola at M16 armalite rifle.

Agad namang tumakas ang mga suspek dala ang mga personal na gamit at malaking halaga ng pera aari ng negosyanteng si Merlina.

Tatlo sa mga biktima ang agad binawian ng buhay bunsod ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Naisugod naman sa Antipas Doctors Hospital si Bingbing.

Panghoholdap ang nakikitang motibo ng pulisya sa pamamaril na patuloy pa nilang inimbestigahan. JOHNNY ARASGA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>