Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2,032 na lumabag sa gun ban

$
0
0

UMABOT na sa 2,032 ang mga nahuling lumabag sa gun ban mula nang magsimula ang election period noong Enero 13, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa inilabas na pigura ng PNP Directorate for Investigative and Detective Management (PNP-DIDM), mula sa nasabing bilang ay 1,860 ang sibilyan; 102 ang security guards; 28 ang government officials; 24 pulis; 13 military personnel; three militiamen at tig-isang bumbero at jailguard.

Umabot na rin sa 1,982 iba’t ibang uri ng firearms ang nakumpiska; 589 bladed weapons; 109 gun replicas; 106 granada; 299 iba pang uri ng explosives at 17,923 rounds ng ammunitions.

Batay sa datos ng PNP-DIDM, isang British national ang isa sa mga bagong nadagdag sa mga lumabag sa gun ban matapos itong ireklamo ng kanyang kapitbahay sa Kawit, Cavite.

Kinilala ang banyaga na si Luke Chopard, 42-anyos at residente ng Barangay Gahak, Kawit, Cavite.

Nakuha kay Chopard ng mga tauhan ng Kawit Municipal Police ang isang calibre 22 revolver na may tatlong rounds ng ammunitiont isang empty shell.

Nasa kostudiya na Kawit Municipal Police Station ang banyaga at inihahanda na ang kaso laban dito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>