TODAS ang dalawa habang anim ang sugatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Barangay San Jose, San Miguel, Iloilo.
Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang pampasaherong sasakyan na minamaneho ni Arnel Colorado, 25-anyos, nang mag-overtake sa isang pribadong sasakyan.
Dahil ditto, nasalpok nito ang isa pang pampasaherong sasakyan na minamaneho naman ni Fernando Sampilo at nasagasaan ang naglalakad lamang sa gilid ng daan na sina Rogelio Paala at Ernie Soliva.
Agad na nasawi si Colorado at ang nasagasaan nitong si Soliva habang nakilala ang nasugatan na sina Christina Camarista ng Barangay Boulevard, Molo, Iloilo City, na dinala sa Western Visayas Medical Center.
Habang ang apat na iba pa na nagtamo ng minor injuries ay isinugod naman sa Aleosan District Hospital.