Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

May-ari ng amusement park tinodas na, pinagnakawan pa

$
0
0

BINAUNAN ng bala ng kalibre .45 ang isang negosyante bago tinangay ng isang holdaper ang pitaka ng biktima sa North Cotabato nitong Linggo ng gabi (Marso 31).

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Marcial Ylanan, mayari ng isang amusement park sa Tulunan, Borth Cotabato.

Sinabi ni Senior Inspector Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan municipal police, na naganap ang insidente dakong 10 nitong Linggo ng gabi sa loob mismo ng amusement park ng biktima.

Bago ito, abala ang biktima sa pagaasikaso sa kanyang mga kustomer nang pumasok ang suspect na nakasuot ng maong pants, at dark colored t shirt.

Naglakad ang naturang lalaki sa likod ng biktima at saka pinagbabaril ito ng kanyang dalang kalibre 45.

Sinamantala naman ng suspect ang pagtakbuhan ng iba pang kustomer para maisakaptupran ang kanyang maitim na balak at binunot nito sa bulsa ng pantalon ang pitaka ng biktima.

Lumabas ito sa loob ng amusement park bago pinatakbo ang kanyang motorsiklo na ipinarada nito ilang metro ang layo sa amusement park ng biktima .

Ang nasabing pamamaril ay ikalawa na sa Tulunan sa loob ng tatlong linggo, ayon sa police investigators.

Nakaligtas naman ang isang mag-asawa na negesyante sa ikinasang ambush sa Barangay Sibsib, isang remote area sa Tulunan, habang sila ay pauwi sakay sa kanilang motorsiklo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Love Quotes Tagalog


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Girasoles para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo Create - Video Maker & Editor 1.5.2 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Pocoyo para colorear


Sapos para colorear


Patama lines and Tagalog Quotes Pinoy Sayings


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.6.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>