KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na itinaas na sa alert level 1 ang South Korea matapos ang pagdedeklara ng state of war ng North Korea.
Base sa pahayag ni DFA Spokesperson Raul Hernandez, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul para alamin ang sitwasyon doon at para matiyak ang kaligtasan ng may 40,000 mga Pinoy.
Kaugnay nito, inalerto at pinayuhan ng DFA ang mga kababayan na maging mapagmatyag at patuloy na i-monitor ang tensyon sa pagitan ng South Korea at North Korea.
Ayon pa kay Hernandez, hindi rin nila isinasantabi ang bantang nuclear war ng North Korea na kabilang din sa mga pinaghahandaan ng kagawaran.