KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kanilang sinuspinde ang flying school na nagmamay-ari ng Cessna plane na nag-emergency landing sa Plaridel, Bulacan kanina.
Unang napabalitang bumagsak ang Cessna 152 training aircraft na may registry number RP-C8220, alas-10:00 ng umaga kanina ngunit binawi naman ito ilang oras lamang ang nakalipas.
Pinatawan ng preventive suspension ang Leading Edge Intl. Aviation Academy (LEAN) na may-ari ng eroplano habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Nabatid na kapwa nakaligtas ang sakay ng Cessna plane na sina Capt. Don Earl Hinayon at isang Indonesian student pilot na kinilala lamang sa “Louis”.