ISANG two-seater na eroplano ang bumagsak sa Plaridel, Bulacan kaninang umaga.
Ito ang kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Nabatid sa Operations Center ng CAAP, pasado alas-10:00 ng umaga nang bumagsak ang Cessna plane na may body no. RTC-8220.
Hindi pa batid ang kalagayan ng dalawang sakay ng naturang eroplano na pag-aari ng Leading Edge Flying School.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.