PINAGHAHANAP pa rin ng awtoridad at kani-kanilang pamilya ang dalawang bata na hinalang dinukot ng hindi nakilalang mga suspek sa Taguig City noong Miyerkules Santo.
Ayon sa pamilya ng mga biktimang nasa edad 3 at 4, naglalaro sa labas ng kanilang bahay ang mga bata nang hindi na nila makita ilang oras pa ang lumipas.
Ayon naman sa ina ng batang si James Naraga, nagtiwala siyang hindi mawawala ang anak dahil katapat lamang nila ang barangay hall na marami namang nakaantabay na mga tanod.
May ilang nakakita naman na ilang lalaking sakay ng van ang dumampot sa mga bata.