Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tensyon, sumiklab sa demolisyon sa loob ng Luneta Park

$
0
0

MARAHAS na giniba ng mga tauhan Metro Manila Development Authority (MMDA), kasama ang mga tauhan ng National Park and Development Committe (NPDC) at kapulisan ang mga stall ng maralitang manininda sa bahagi ng Quirino Grandstand sa Phase 2 ng Luneta Park.

Nagkabatuhan at nasugatan ang mga manininda sa pagtatanggol ng kanilang kabuhayan, ayon sa grupong Peoples Democratic Hawkers and Vendors Alliance (PEDHVA)-KADAMAY.

Kabilang sa mga sugatan sina Macario Borja, 47 anyos, na binugbog at pinagtulungan ng SCOG bago pa man maganap ang demolisyon; Grace Tagco, 29 anyos, nasugatan sa paa habang nakikiusap na huwag sirain ang kanilang tindahan; at isang batang lalaki na si Jaypee de Guzman, 10 anyos, na sinadyang batuhin sa binti ng isang ahente ng SCOG. Kasalukuyang ginagamot sa PGH ang mga biktima ng marahas na demolisyon.

Samantala tinukoy sila Coronel Quirante at Corpuz ng Manila Police District bilang nanguna sa mga pulis na nandahas din sa mga mga manininda.

Tuloy na tuloy na ang pagsasapribado at pagbebenta ni Aquino sa Luneta Park sa mga dayuhang negosyante, ayon sa PEDHVA-KADAMAY.

“Mariin naming tinutulan ang marahas na pagpapalayas na ginawa sa amin ng administrasyong Aquino na nagpapakita lamang na tunay na kontra-maralita ito at wala sa plano nitong tulungang makabangon mula sa kahirapan ang tulad naming mga maralita,” ayon kay Joel Miralpes, secretary-general ng PEDHVA-KADAMAY.

“Ilang daan na naman ang mawawalan ng kabuhayan dahil sa Zero Vending Policy at pribatisasyon na patakaran ng lokal na pamahalaan at gobyerno. Daang pamilya na naman ang magugutom at bubusabusin ng pamahalaang ito. Dekada na kaming nagtitinda dito. Pinangakuan pa kami ni Director Villegas ngunit hanggang ngayon ay walang malinaw na programang permanenteng pangkabuhayan ang ibinigay sa amin, bagkus, marahas na demolisyon ang kanilang isinagot sa aming mga panawagan. Kahit ang pagpapa-aral sa aming mga anak ay hindi namin magawa dahil halos wala kaming kinikita sa pwesto namin sa gilid ng Luneta,” dagdag ng lider.

Hindi umano solusyon ang pagtatayo ng mga tent para maging “kabuhayan” ng mga vendors sa Luneta. Pinagkakakitaan lamang umano ito ng NPDC kung saan aabot ng P1,500 ang renta ng mga tent.

Paliwanag ni Miralpes, “Maliit lamang ang kinikita ng mga manininda at kahit ang ganitong paraan nila ay hindi rin magtatagal dahil ang probisyon para sa mga magtitinda sa tent ay hanggang isa’t kalahating buwan, sa durasyon lamang ng Fiestang Pinoy. Lalo pa nilang pinasahol ang kalbaryo ng mga manininda na una nilang dinemolish noong nakaraang Lunes Santo sa paglulunsad nila ng panibago na namang demolisyon ngayon araw.”

“Lantaran ang kawalang paki-alam at malasakit ni PNoy sa katulad namin na mga vendors habang abalang abala siya sa pagkamapanya at pagtitiyak na manalo ang kanyang Team Pinoy. Kahit ang hindi pagpirma nito sa Magna Carta for the Poor ay nagpakita ng kawalang interes nitong maglingkod sa maralitang katulad namin.

“Patuloy pa ring naka-amba ang mga banta ng demolisyon sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan dahil sa kanyang mga proyetong pangkaunlaran sa ngalan ng Public-Private Partnership.

“Kaya hindi titigil ang maralitang manininda ng Luneta sa paggigiit sa kanilang mga karapatang mabuhay, bagkus, pagtitibayin pa namin ng husto ang aming hanay at pagkakaisa upang labanan ang pribatisasyon, komersyalisasyon at kawalang katiyakan sa kabuhayan,” sabi ni Miralpes.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>