Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

School driver tigbak sa riding in-tandem

$
0
0

patayTIGBAK ang isang driver ng school service matapos pagbabarilin ng riding in-tandem habang naglilinis ng kanyang sasakyan sa Quezon City kaninang umaga Abril 3, 2013 (Miyerkules).

Kinilala ang biktima na si Rodrigo Diaz, 57, may-asawa, ng 30-B Sta Catalina Street, Brgy. Holy Spirit, QC na namatay noon din dahil sa tinamong walong tama ng bala ng baril sa kanyang  katawan.

Ayon kay SPO1 Alden Lasam ng Quezon City Police District station 6 Batasan, naganap ang insidente dakong 11:25 ng umaga kanina sa no.29 Sta Catalina St.,Brgy. Holy Spirit sa tapat ng Creative Learning School.

Sinabi ni Lasam na kasalukuyan naglilinis ng kanyang sasakyan ang biktima nang biglang dumating ang dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo na pawang naka helmet at agad pinagbabaril ang nasawi.

Matapos ang pamamaril iniwan ng mga suspek ang duguang biktima na ikinasawi ng huli.

Iniaalis naman ng mga pulis ang anggulong holdap ang dahilan ng pamamaril dahil wala naman nawala sa gamit ng biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad sa mga tumakas na suspek.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Love Quotes Tagalog


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Girasoles para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo Create - Video Maker & Editor 1.5.2 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Pocoyo para colorear


Sapos para colorear


Patama lines and Tagalog Quotes Pinoy Sayings


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.6.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>