MAY mga sugat sa katawan ang napadpad na dolphin sa karagatang sakop ng Barangay Saoang, San Juan, Ilocos Sur.
Isang mangingisda ang nakakita sa sugatang hayop at inireport agad sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Bago ginamot ang mga sugat ay sinuri muna ng BFAR ang dolphin.
Sinabi naman ng BFAR, na agad na ipaalam sa kanila kung makakita ng sugatang hayop na kailangan ng emergency, gaya ng nasabing kaso.