ITINALAGA na ang bagong officer in charge ng Manila Police District.
Ito ay matapos sapitin ni MPD director, Chief Supt. Alejandro F. Gutierrez ang kanyang mandatory age of retirement na 56.
Papalitan siya ni Police Senior Supt. Roberto Po, ang MPD deputy district director for administration at sinasabing inaanak ni Manila Mayor Alfredo Lim.
Nakatakda sanang magsagawa ng turnover ceremony sa tanggapan ni NCRPO regional director Leonardo Espina ngunit hindi natuloy matapos ipag-utos ng Malacañang na si Po ang magiging OIC ng Manila police.